CONTACT |   PAHAYAGAN | PROPESYUNAL NA PAGGAMIT | MGA BALITA
PHONES | GPRS | PAHAYAG NG PANGANGALAGA NG PRIBADONG KAALAMAN | MGA PANININDIGANG KONDISYON | TERMS OF DELIVERY | ABOUT US
© 2008 Nav4All B.V. All rights reserved. | www.nav4all.com

PAHAYAGAN
 Press release

Baguhan hinamon ang mga kilalalang Navigation Systems.
Pansamantalang libre ang paggamit...

Ang merkado para sa mga pamamaraan ng navigation ay pabago-bago. Unang ipinakilala ang mga mamahaling sistemang ikinakabit sa loob ng sasakyan. Sumunod ay ang gawang Dutch na TomTom na namahagi naman ng mas murang paraang madaling dalhin kahit saan.
Ang TomTom ay mabilis na naging popular sa maraming namumuhunan. Pagkatapos na ipakilala ito sa merkado, ang halaga ng kumpanya ay bumulusok pataas.
At ngayon, hindi lamang TomTom, ayon sa stock exchange, maging iba pang taga-pamahagi ng navigation systems ang napamangha sa isang navigation system na higit na mas magaling, mas mura, at pansamantalang ipinagagamit ng libre: ang Nav4All.

Mag-navigate gamit ang iyong cell phone.

Ang istratehiya ng Nav4All ay napaka-simple, hindi nga ito ata naisip ng iba. Walang hardware na kailangan, cell phone lamang at GPS receiver ang kailangan.
Masasabing ang sistema nito ay base sa ideya ng kapayakan. Ang gumagamit ay pipili lang ng nais puntahan gamit ang kanyang cell phone. Ang cell phone ang makikipag-ugnayan sa central computer, na mabilis na aalamin at ipapadala ang wastong ruta sa cell phone. Ang manlalakbay ay pwede nang magpatuloy sa nais nyang puntahan ng walang sagabal.
Kakailanganin lang ng isang makabagong manlalakbay ng mga sumusunod: isang cell phone at isang GPS receiver na kung pagsasamahin ang bigat ay hindi lalampas sa 150 grams.

At para naman sa ibang aspeto, ang bagong sistemang ito ay talagang napaka-simple: ang ruta ay hindi na ipinakikita gamit ng detalyadong mapa, mga simpleng pana lang ang magtuturo ng diretso, magsasabi kung liliko, o kaya'y pipili ng tamang landas kung maghihiwalay ang daan (ito ay hindi makikita sa ibang sistema). Isang korteng kalahating-buwan sa linya ang magbibigay-palatandaan na ikaw ay dadaan sa isang traffic circle (paikot na daan) at dederetso lang.
Ang mga instructions ay napaka-simple dahil hindi dapat maabala ang nagmamaneho. Kung mas simple ang mga instructions, hindi magagambala ang pagtanaw sa daan. Ang lahat ng iyong pag-aatubili ukol sa ruta na sinusundan ay mapapawi dahil napaka-simple at madaling sundan ang mga instructions na binibigay namin.
Kung kaya't ang mga hindi kailangang impormasyon ay tinatanggal na. Kung may exit na mga 30 kilometro ang layo sa 'yo, hindi ka na bibigyan ng babala, kundi mahinahong ituturo na lamang sa iyo ang iyong pupuntahan.
Para sa mga nais na hindi na tumingin sa display at nais makinig na lang sa binibigkas na instructions, ang Nav4All ay mabibili rin sa wika na iyong nais.
Mayroong 55 wika at higit sa 100 ibat-ibang boses. Sa paraang ito muling tinanggal ang hindi kinakailangan, sinasabi lang ng sistema kung ano ang mahalaga. Ganoon ka-simple.

Walang gastos, walang hangganan

Ang pinakatanyag na navigation systems ay naka-ugnay sa mamahaling hardware, at ang taunang bayad sa subscription sa mga serbisyong pang-ruta nito ay napakamahal. Madalas pa, ang user ay binibigyan ng hangganan kung saan pwedeng gumana ang sistema.
Ang baguhang Nav4All ang may kalutasan sa mga problemang ito. Sapagkat marami na ang may cell phone, kailangan na lang na bumili ng isang GPS receiver at ito ay kapaki-pakinabang at madaling makuha. Ang bayad sa subscription ay pansamantalang hininto hanggang ika-01-01-2010.
Pagkatapos ng petsang ito, inaasahang magkakahalaga ng $0.50 hanggang iilang dolyar lamang kada buwan ang subscription na saklaw halos ang buong mundo sa paggamit. Posible rin ang libreng subscription sa hinaharap.

Pagbabago sa Kasalukuyang Sistema.

Ang mga gumagamit ng TomTom, Wayfinder, Route 66, Activepilot, Co-pilot at iba pang navigation systems ay matutuwa sa mga serbisyong ipamamalas ng pinakabagong navigation provider. Ang hardware na gamit ng ibang providers ay maaaring magsilbing Bluetooth GPS receiver para sa bagong sistemang ito. Sa paggamit ng Nav4All, ang mga gumagamit ng ibang lumang sistema ay makakakuha ng libreng ulat ng pagbabago sa ruta, at mas malawak na sakop ng paggagalawan sa halos buong mundo.

Hindi Mabibili sa Tindahan.

Ang Nav4All ay hindi mabibili sa tindahan, sapagkat hindi naman nabebenta ang serbisyo nito.
Ang bagong navigation system na ito ay maaaring i-download ng libre mula sa Internet o kaya'y makuha gamit ang SMS mula sa isa pang user.
Hinihingi lamang ng Nav4All na magpa-rehistro ang mga users. Sa muling pagkakataon, ang cell phone ay magiging napakahalaga sa layuning ito.

Misteryo.

Ang Nav4All isang simulain mula sa Netherlands. Hindi nakapagtataka sapagkat ang isa sa mga unang grupo ng manlalayag ay ang mga Dutch. Sila ang unang lumutas sa misteryo ng pabago-bagong abot-tanaw. Sila ang humubog sa sining ng nabigasyon at eksperto sila sa pagpapabuti nito.
Kung kaya't hindi rin nakapagtataka na ang mga kumpanyang nagbibigay ng kaalaman sa pagmamapa sa buong mundo, na basehan ng lahat ng navigation systems, ay parehong nagmula sa Netherlands: TeleAtlas at NAVTEQ. Ang NAVTEQ ay itinatag ng kumpanyang Dutch, ang Philips.
Ang Nav4All ay gumagamit ng teknolohiya sa mapa na hatid ng NAVTEQ.